Padyak Pinoy sa 2010 Asia Tour?
Posted July 27th, 2009
Ng Taliba Hulyo 24, 2009
Ang annual Padyak Pinoy multi-stage cycling competition ay maaaring umanagt sa pagiging isang international tour kung tatanggapin ng Union Cyliste International (UCI) ang aplikasyon ng Padyak Pinoy Organizing Committee na maisama ito sa Asia Pro Tour calendar para sa 2010.
Suportado ng mga major sponsors Tanduay, Manny V. Pangilinan ng Smart-PLDT at Bert Lina ng Air2100, ang kahilingan para sa enrollment sa UCI ay ipinadala nitong June, ilang linggo lamang makaraan ang matagumpay na pagdaraos ng Padyak Pinoy International Challenege noong Mayo.
"Results emerging from [2009 Padyak Pinoy] Invitational Challenge seem to indicate that our riders are now ready to meet their foreign counterparts on Philippine soil. With their showing, we have gained enough confidence to host a UCI-backed cycling event," wika ni Gary Cayton, chairman ng Padyak Pinoy Organizing Committee.
"It is time to once again place the Philippine in the world cycling map, considering also the growing number of cylcing enthusiasts and lately, the increasing active role of private companies to promote the sport," dagdag niya.
tinanggap ng UCI, sa pamamagitan ni Sophie Parvex, assistant chief ng road department ng world governing body, ang aplikasyon ng Padyak Pinoy Organizer Dynamic Outsource Solutions 1, Inc.para sa registration ng 2010 race nito. ang aplikasyon ay inendorso ni Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, president ng PhilCycling na kinikilala ng UCI. Ang panukalang four-day international race ay magsisimula sa April 8, 2010, at kabibilangan ng apat na stage - 155-km Tagaytay-Tagaytay Stage 1, 125-km The Fort-Clark Field (via NLEX) Stage 2, 150-km Clark-Subic-Clark (via SCTEX) stage 3 at 160-km Subic-Subic Stage 4.
Ang Philippines ay nasa UCI calendar mula 1996 hanggang 1998 nang ang multi-stage cycling marathon ay tinatawag pa noong Marlboro Tour.
Subalit dahil sa global restrictions sa tobacco advertising, ang Marlboro Tour ay binuwag hanggang sa buhayin anf event noong 2002 ni Airfreight 2100 chairman Lina, na kalaunan ay nagsilbing PhilCycling president para sa isang buong termino.
Sa ilalim ng UCI regulations, ang Padyak Pinoy 2010 internation edition ay dapat magsali ng limang international teams.
Ang Padyak Pinoy Tour ng Pilipinas sa 2010 ay ginagawang pinal, sa pakikipagtulungan ng mga private companies, cycling associations, local government leaders at piling government agencies para sa sponsorships.



























