Le Tour de Filipinas sisikad sa Abril 17
Hindi kumpleto ang tag-araw kung wala ang pinakaaabangang karera ng bisikleta.
At ang pinakamalaking summer extravaganza ngayon ay makikilala bilang Le Tour de Filipinas Padyak Pinoy 2010, base na rin sa UCI (Union Cycliste Internationale), na sisikad sa April 17 at ihahatid ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng SMART at Air21.
Sinabi ni Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solution (DOS-UNO) na sa instruksyon na rin ng UCI ay apat na stages lang ang Tour ngayon, pero nadagdagan ang pagsubok dahil sa pagdayo dito ng ilang foreign teams na tiyak magbibigay ng matinding oposisyon sa mga locals.
Kabilang sa mga dayuhan ang mga koponang Shimano Racing Team ng japan, Snow Leopard ng Mongolia, Vali ASR Kerman ng Iran, OCBC Singapore, CKT-CH Mixed Team, at ang CCN Cycling ng Holland.
Ang mga pambato ng Pilipinas ay igu-grupo naman sa Tanduay, SMART, Air21, WOW Magic Sing, CamSur Dolphins, CamSur Wheelers, Batang Tagaytay, Extra Joss, American Vinyl at 7-11 Roadbike.
Hinihintay pa ang kumpirmasyon ng mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales at lungsod ng Dagupan.
May kabuuang premyong P1.2 milyon na inilaan sa four-day race, ang unang UCI-sanctioned race ngayong dekada sa bansa, at ginagabayan ng PhilCycling.
Ipapakilala ngayong taon ang bagong kagamitang teknikal, ang transponder na ikakabit sa bisikleta ng riders. Isa itong computerized timing device mula Shimano na susukat sa tiyempo ng mga siklista pagtawid sa finish.
“Hindi na manu-mano tulad nung mga nauna. Dahil computerized, hindi puwedeng dayain,” dagdag ni Cayton, kasama sa presscon si Tour legend Paquito Rivas na tatayong race manager.
http://www.abante.com.ph/issue/mar2710/sports07.htm




























